Noong Hulyo 19, 2022, ganap na ika-8:00 ng umaga, ang grupo ng 2nd Palawan Provincial Mobile Company (2nd PPMFC) sa pamumuno ni PLTCOL MHARDIE R AZARES, Force Commander, ay nanguna sa pagsasagawa ng Community Outreach Program o Serbisyo Caravan bilang bahagi ng regular na pagpapaabot ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan at kaugnay na rin sa pagdiriwang ng 27th Police Community Relations (PCR) Month na may temang β€œUgnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” na isinagawa sa Barangay Tanatanaon, Dumaran, Palawan.

Katuwang ng grupo ang Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT3), Dumaran Municipal Police Station, Mr. Christianne E. Piansay ng Kalingang Barbero, Dr. Pal Dominie V. Sitcharon, Mrs. Marlin Claire C. Endrinal, Volunteer Nurse, Barangay LGU at mga Tanod ng Tanatanaon.

Ang mga serbisyong ipinagkaloob ay LIBRENG KONSULTANG MEDIKAL AT GAMOT, TULI, GUPIT, FEEDING PROGRAM, at LIBRENG AYUDA (Food Packs) na naglalaman ng bigas, noodles, kape, asukal at mga dilata. Namahagi rin ang grupo ng mga GAMIT PAMPAARALAN AT PAGKAIN para sa mga bata bilang bahagi ng Project β€œADAL KALSADA” ng Palawan Police Provincial Office kung saan ang kapulisan ay nagtuturo sa mga kabataan.

Bukod dito, nagsagawa rin ng awareness campaign o pagtuturo patungkol sa mga programa ng PNP at ng pamahalaan tulad ng Coronavirus Awareness, Response and Empowerment (C.A.R.E.), Drug Abuse Resistance Education (D.A.R.E.), Ang Pamamaraan ng Pag-Organisa o Pag-Recruit ng CPP-NPA-NDF sa mga Kabataan, at ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa huli, muli na namang nakapag bigay ng ngiti sa ating mga kababayan ang grupo dahil sa matagumpay na naisagawang serbisyo caravan na tinatayang nasa 250 ang nakinabang sa nasabing aktibidad.