Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ng Rehiyong MIMAROPA sa pamumuno ni Pulis Heneral ng Brigada TOMAS C APOLINARIO, JR., Pinunong Panrehiyon, ay nakikiisa sa Ika -121 Taong Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na may Temang: “Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan”.

Ang pagdiriwang ay ginanap sa Kampo ng Heneral Efigenio C Navarro, Lungsod ng Calapan, Probinsya ng Silangang Mindoro ngayong ganap na ika-walo ng umaga, Hunyo 12, taong 2019.