βAng kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan kundi ang pagkakaroon ng hustisya, ng batas, ng kaayusan – sa madaling salita, ng pamahalaan.β β Albert EinsteinMENDOZA, ROXAS, PALAWAN – Noong Hunyo 7, 2022, ganap na 8:30 ng umaga, ang mga grupo ng 2nd Palawan PMFC na pinangunahan ni PLTCOL MHARDIE R AZARES, Force Commander; Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT3); Philippine Coast Guard; Mendoza Barangay Officials at Sangguniang Kabataan; Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Mendoza Chapter; PSU Roxas Criminology Intern; magulang at mga guro ng Mendoza Elementary School sa pangunguna ni Ms. Ivy B. Aborot, Teacher In-Charge; at si Ms. Justine Kate Raca (dating rebelde) ay nagsagawa ng information drive at indignation rally na ginanap sa nasabing paaralan ng Brgy. Mendoza, Roxas, Palawan.Sa unang bahagi ay nagsagawa ng awareness campaign/lectures patungkol sa Orientation on the Youth and Student Recruitment by the CPP-NDF-NPA, Knowing the Enemy (KTE), E.O. 70 upang maisakatuparan ang layunin ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Orientation regarding the AFP and how to become part of it, Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ng Local Social Integration Program (LSIP) ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan. Ito naman ay sinundan ng indignation rally na pinangunahan ng mga opisyales ng barangay, mga guro at aktibong nilahukan ng mga kabataan ng nasabing barangay at dating miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA.Itinampok sa indignation rally ang patotoo ng isang dating rebelde (NPA) na si Ms. Kate o kilala bilang Ka Rohan, pagtakwil at pagtuligsa ng mga nakilahok sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga plackard na tumutuligsa sa grupong CPP-NDF-NPA at ang kanilang mga teroristang gawain.Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa ng pamahalaan at ng mga residente ng Brgy. Mendoza sa pagtuligsa sa lahat ng uri ng karahasan, gawaing terorismo, at kalupitang dulot ng Komunistang Teroristang Grupo na humahadlang sa kapayapaan at kaunlaran sa Bayan ng Roxas, Lalawigan ng Palawan, at ng buong bansa.