Sitio Kalayaan, Barangay Balatero, Puerto Galera – Ng magsagawa ng Tree Planting Activity ang PNP Puerto Galera katuwang ang Regional Maritime Group sa pangunguna ni PLT TOM ANTHONY L DECRIPITO, Deputy Chief of Police sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JERYLL JOHN C LAURON, Chief of Police kasama ang Pamahalaang Barangay ng Balatero na pinangunahan ni Barangay Chairman Willy Candava, umaga ng Enero 28, 2024.

Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang aktibong pakikilahok at pakikiisa ng mga Kapulisan at ng Komunidad upang mapanatiling luntian ang mga kabundukan at upang maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbaha na maaaring makaapekto sa mga residenteng naninirahan sa naturang Sityo.

β€œAng pagsasagawa ng ganitong gawain ay bilang tugon sa aming PNP Core Values- PULIS MAKAKALIKASAN (Pro-Environment) na mapangalagaan at maprotektahan ang ating kapaligiran sa pakikipagtulungan ng ating aktibong Komunidad at ng bawat isa.” Ayon kay Police Major Lauron.